gusto ko sanang umuwi na
bumalik sa pinas mag pahinga
5 buwan palang ako dito
parang ayaw ko na
wala wala wala
walang akong magawa
dalawang taong kontrata
ayos naman dito
di gaya ng iba
mga nabalitang
naloko , sinamantala
mabutit walang ganito
naranasan ko dito
gusto ko lang mayakap
ang minamahal
sana may worm hole
pwede ko tawiran
punta sa pinas or kung saan man
saglit tutungo dun
mayakap lang ikaw...