Pages

Saturday, December 3, 2011

paalam

tagal ko na alam may ligaya ka ng nakakakamtam
mula sa ibang bisig at labing dapat sakin ang pinanggalingan
di naman kita masisi ako talaga ang dahilan
madalas na sakit iyong naranasan di ko kayang ibalik ang kasiyahan

ayaw ko ng ipaliwanag ang mga dahilan
pagkat parang nangangahulugan lang
di lubos na pagibig kayat ikaw iniwan
ang ligayang nahanap mo sa iba alam kong iyong kailangan

darating din siguro para sakin
upang gaya mo matapos na ang pag hahanap
gaya mong kaligayahan ay ganap
mula sa isang taong kayang ibigay ang lahat

puro lambingan tanda ko pa noon
lam kong mga pangako nyay tinutupad para sayo
di gaya kong wala ni isang nagkatotoo
ngunit pinapatawad mo parin ako

paalam pag ibig pagkat di para sakin ang yakap mo