Pages

Friday, January 4, 2013

chantal

di kita masisisi pagkat akoy naging taksil
sa iyong pagibig na hinandog ng buong gigil
mga luhang di ko pinigil mga hikbi mong aking sinikil 
ngayong dumating na ang panahong kaw naman ang maniningil


hahayaan kitang mga kamay moy tumama sakin
na dating puro lambing ngayoy tumatagos sakin
mga tingin mo nooy di pinapansin ngayoy parang tumutunaw sakin
wag kang mag alala di kita pipigilan hayaan ko ang iyong galit ang maghugas sakin 


oo nagkamali ako  ngayon yan ay kita ko 
nagsisisi ako pagkat kailangan pang mawala pag big mo
di na maibabalik pero sana mapawi ko gamit ang pagsumamo ko
sabihin mo lang akoy iyong papatawarin  tama na yan para sakin.


lalayo ako pagkatapos ng pagganti mo,
bawat sampal mo di ko iilagan ito
kung maibabalik ng dugo ko ang pagmamahal mo
hayaan mong ialay ko sayo kasama na ang pusong nagtaksil sayo