Pages

Wednesday, July 24, 2013

rainy day

magdamag na atang naka tunganga
di na pinansin ang liwanag
naka tihaya parin sa kama
kisame lang kasama

oo parang ang bagal ng panahon
sa paghihintay sa pagdating ng kahapon
nakakagulat lang naman
bukas ay natapos ng ganun lamang


at di parin nakuhang tumayo
inat inat lang sabay tiklop
napapangiti sarap
at agad nagtago sa kumot


masarap pakinggan  tunog ng ulan
maalala mo ngalang yakap nyang
kay tagal mo ng di naramdaman
kayat tuwing umuulan iiyak nalang

tunog ng ulan bigay ay katahimikan
subalit mga alaalang hatid
para bang binibiyak dibdib
umuulan nuon ng syay umalis
umuulan din ngayon syay aking na mimiss