Pages

Wednesday, August 28, 2013

ayaw kong malungkot ngayon


nadama mo na ba ang ganito
yung bang naiisip mo
ano kaya meroon dun
parang masaya dun


diretso lang lakad mo
napansin mo sa daraanan
parang gusto mo puntahan
pero ayaw mo maistorbo


nadama mo baka di na maulit
kayat naisip na saglit
puntahan yung meroon dun
parang ang nais moy nandun


at nagisnan mo ang nandun
pero di ka pwede mag tigil dun
may pinatutunguhan kana
di ka pwede pumili ng iba


naisip mo nalang baka pwede minsan eh
sumaglit ka kahit sulyap lang
lam mong di ka pwede . pero kahit na
huli kana napadaan, ngayon gusto mong
parating ito ay puntahan