para di mahalata na akoy natutulala
sa mga pagkakataong ito akoy nangangapa
idadaan ko nalang sa tula para di masyadong halata
itatago nalang sa mga salita nadarama kong pangungulila
at habang kausap ka alam kong nakikita mo na
titig kong sayo nakapako sana wag mo akaling akoy masamang tao
nabighani lamang sa iyong mga mata at galaw mong nakaka halina
patawarin mo narin ako bago ako gumawa ng milagro kaw kasi ang aking santo
idadaan ko nalang sa tula mga gusto kong sabihin sayo
sana lumabas na may katotohanan mga sasabihin ko
kabado lang kasi para bang huhulihin ako ng pulis
aaminin ko naman agad matapos kong nakawin ang iyong halik
at makukulong man ang hihilingin ko
dun sana malapit sa nagpapatibok ng puso ko
di na ako lalabas pa dahil alam ko
hangang wakas makakasama koy pag ibig mo