dear ate charing
ako po ay sumulat sa inyo upang ikunsulta ang problema ng aking family
isa isahin ko po sila
si ate minda panganay po sya gusto pong maging pangulo ng
buong mundo at sya daw sagot sa wars at gutom sya daw ang sugo.
si kuya alex po ay simpleng pangarap lang gusto nyang maging ate alesandra
pagkat maganda daw sya kay ate minda..
si tatay naman po ay di na makausap pagkat palagi nalang na tingin sa bote
si po sya lasengo ate charing gusto lang nyang titig sa bote
si inay ay iniwan na kami at sumama sa astronout at dun daw sila manirahan sa mars.
ate charing nailahad ko lang po ang maikling story ng aking family
hihingi sana ako ng tulong sayo pagkat nabasa po ninyo malala na po sila
hiling ko lang po ay magka meroon sila ng kanya kanya room sa mental pagkat
di ko na po kayang sila ay asikasuhin..
masikip na po dito sa room ko eh.. pagkat sina crispin basilio barabas at hestas
ay nag rereklamo na ayaw daw nilang kasama sila sa room ko..
ayaw ko pong mawala ang fwends ko ate charing sana po ay matulungan mo ako..
nagmamahal
loida