Pages

Monday, April 20, 2009

faith in love

faith in love

as i search around under mah bed
tryin to find the guitar pick that fell
i accidentaly  found an old shoe box of mine
then i remembered hiding it from time

box contained promises of dreams
as i opened and read some letters
all of them from one girl
promises of dreams i remembered


one letter that was so dear to me
faith in love i read a loud
i felt again the promise of love
years already passed but i still felt

the promise of dreams i read again
faith in love all we had then
faith in love i read it again..
faith in love we said it til the end

39

gusto ko ng pizza yung thick crust ha
madaming pepperoni at makapal na mozzarella
feel ko din ang mushrooms
kay sarap kung may bacon sa ibabaw
beef strips kaya iyong ilagay dyan
syempre ang ham wag kalimutan
ano kaya kung manok ay idagdag dyan

basta gusto ko ng pizza ha
pero mas masarap kumain
kung may magsusubo sa akin

cheche1012

mag isa ulit ako dito sa thread nato
paano na kaya kung buong earth eh solo ko
pwede na ko tumakbong walang saplot
kaso di masaya kasi walang makakahuli sa engot

hay grabe walang paring kasama
what if totoo nga talaga
ako nalang tao sa earth
baka maiyak ako kasi walang cheche1012

38

i never left ..but kept mah distance
life is not fair but love is acceptance
looking out and standing still
all i could do is remember the feel..


sometimes we cant understand
accept that things can get out of hand
if things just falls into place
we dont have to love

we just call it fate
we talk and feel heaven each time
wanting to meet , and yet stature keeps us apart.

its mah fault i know you understand
im a victim of being a man

37

ako ang pinaka masamang tao sa balat ng lupa
nagpapaiyak sa taong nagmamahal
nangiiwan at di kinakausap
napakasama ko talaga oh

ano bang ginawa nya sayo
minahal ka nga ng totoo
kaso eto nga ako nagtatago
takot kasi harapin totoo

langit sya lupa ako

wala kasi akong maipagmamalaki
di naman kasi nakakabusog ang pagibig, really!
kayat wishing nalang parati tumama sa lotto
para mabilis umasenso at sya ay maiuwi na dito..

36

may sakit ata ako
parati ganito
takbo palayo
palayo sa puso mo

nasasaktan
nagugulo
parang bangungot
na ako para sayo

mahirap ang ganito
hirap kana at baliw ako
paano na aasenso
kung pag ibig lang maibibigay sayo

35

di ko malimot
buma balik talaga
kahit siguro mag ka amnesia
puso kasi magpapa alala

nag pa hypnotize na nga ako
sayang lang binayad ko
naalala ko parin kasi
pakiramdam ng umiibig grabe

dalawang paraan pa
para matigil na
una tanggalin na puso dito
or harapin nalang pag ibig nato

well parang wala naman kasi akong puso
parati pinaiiyak yung kabiyak ng puso
hirap kasi ng ganito utak ko kasi ayaw pang sumuko
hayaan nalang at tanggapin iibig at iibig ka wag na pigilin..

34

dito lang humiram ng espasyo
maraming kapitbahay
pero ayaw ko makigulo
tahimik lang dito ako

malungkot din talaga
mag isa sa thread na to
may dumadalaw na
kilala daw nila ako

sarili ko kasi iniwan ako
kayat nag iisa na
mag isa kasama
walang masabi

kundi paalam na

33

gusto ko ng halo halo
yung maraming halo
pwede isang balde ang dami
spoon koy sing laki ng tv

halo halo kay sarap2
tanggal ang init ginhawang kay sarap
halo halo penge naman ako
ako na mag kus2 ng yelo

ubo leche flan
ilagay mo lang dyan
nata monggo manggo
gusto ko kasama ito

hay sarap naman
sana po may kasama
sa pag lapang

hehe

32

may kwento ako
tungkol sa kapitbahay ko
tsismis na ata tawag dito
kasi usyoso ako sa kabilang ibayo

nakita ko kasi habang laba ng jockey
yung dalaga sa tabi may kadate kagabi
nakita ko sila hawak ang kamay nya
at medyo shy sya kasi first time pa

ano bang ginawa nila biglang nawala
nadinig ko nalang parang natutuwa
maya maya napa tapat ulit
sa butas sa tapat labahan namin sa tabi

patapos na ko ng nagisnan
si dalaga eh walang saplot ang katawan
bigla nalang napatuwad at nakita ko
bakit ang batuta nung binata sumama ata

pero nung natanaw ko yung isa
batuta nya eh naka kabit pa..
natauhan ako sa nakita
pareho pala silang may patola..

31

dreaming of things thats meant only for dreamers
things that can only be felt in the arms of angels
wanting things that can only be imagined


guilty of feeling guilty of loving
tried to escape the consequence of
what hearts wish for minds bend for

no one else to blame
its only me thats stands in your way
asks each time why
only answer was

i cant live a lie

30

Cry Cry Cry Cry Cry Cry Cry Cry Cry Cry Cry Cry Cry

baka kasi kung maraming luha pumatak
may lumapit at mahabag
sa itsurang kawawang tuta
na halos malunod na sa luha

28

bakit ganun ito
parati nalang nang gugulo
tahimik na nga ako
ngunit ito ayaw paawat sa ganito

ano bang meroon kasi
parang zombie na ire.
kahit tulog kasi
di mapigilang ang atake

atake sa puso
masakit na masarap
ang ataking ito
hanap hanap

27

nakahiga parin
ayaw ko munang ibukas mata
ramdam ko araw sinag na
tagilid muna iwas sa liwanag

matulog nalang tamad tumayo
tamad pang lumabas sa mundong ito
dito nalang ako sa kwarto tago ako
pero di naman makuhang tumakas sa totoo

ikot ulit pero pikit parin
takip ng unan para pigilan
pero takbo parin ang oras
di ako maintay paalam araw

kaya mo akong iwanan

25

ang init talaga di ko na ata kaya
mukang matulog akong walang saplot sa kama
ang tindi ng init pati electric fan eh pawisan na
pagod na ata pati aircon nagwelga na ayaw magbigay ginhawa


ang init dito asan ba ako
susme kapitbahay ko may pitch fork eto oh.
ang init na ito di na kaya ng naka pula
pati sya naka two piece at nalubog drum ng tubig

yun ngalang kumukulo ang tubig
sa lugar na ito kasi 100 degrees C eh coolness..

24

uraro

kain lang ako
uraro kailangan ko ito
uraro pulburon ata ito
uraro dry na lalamunan ko

uraro gusto nyo ba nito?
uraro nakakalungkot na ito
uraro may kasama kasi
katabi sa loob ng papel parati

uraro masaya sa loob
may kayakap kasi
at pagdating sa huli
ang magkasamang uraro

halos sabay din maglalaho
sa pag subo ko gabi gabi

23

nung bata pa ako may kantang sa akin ay napamahal
kantang naksama sa hirap at ginhawa
para bang kaibigang andyan parati
kaibagang may sagot sa mga tanong mo parati

syempre may mga bagong kanta na dumating
at napamahal din may sariling kwento
tahimik na natugtug parang gabay sayo
kayat sa tuwing nadirinig ang kanta

sa radio man or nakita sa net
parang nabalik panahong kay saya
di mo na masayadong tanda ang sakit
pero ang kanta naalala pa

mga kanta sa puso na ata nakatago
at kailangan lang ng pagbuyo
at lalabas muli ang tugtug
madinig muli ang tibok

22

nanglalata parin
di ko na kaya
antok na ko
mainit sa kwarto

inum ng tubig
pero papawisan lang
babad kaya sa drum
upang init eh lumisan

di ko na matatkasan
kahit pagtaguan
babalik parin
dun sa dapat puntahan.

21

paalam autocad
di nakita muli makikita
pakiramdam ko kasi
kahit kaw eh nanlumo na

kung sakaling magkasalubong tayo muli
sana akoy nakangiti at bumabati
alam kong kaw eh malayo mararating
ako naman parang bukas koy di na darating

20

namalik mata ba ako ?
or sadyang wala na sa wisyo
pagkat akala ko nakita ko ang kahapon
pero sa muling pag lingon wala sya duon


di ko manlang nabasa kung ano mang iniwan nya
kasamang naglaho ng kahapon wala na ang bukas
na pilit kong pinipigalang maganap pa....

19

ala na ko maisip
ala masabi
ala kasing taga tulak
ala yung magbabasa

para saan pa ang mga ito
kung wala namang magbabasa
wala yung tatawa dahil daw nakakatawa
hirap din palang magsulat

kung ala kang aalayan ng pinag isipan.

18

masakit ipin ko
masakit ulo ko
masakit pati tuhod ko
nanglalata ako

tamad akong kumain
walang gana gumalaw
upo lang at maghintay
di mapigilang bukas ayaw...


ayaw ko na sa bukas
ibalik nalang ang nakaraan
sigurado kasi masaya
kung ang nakaraan makakaptan pa

kahit ang ngayon ayaw kong makita
ngayon kasi wala sya
kahapon parati ko sya kasama
sana kahapon ang bukas
para sya ay kasama...

17

gusto ko lang sabihin ito
mga bagay na patungkol sayo
matagal na kasing naiisip ko
kung sakaling mahalin mo ako


pag mahal daw kasi
may yakap parati
pag mahal daw kasi
may halik at titig parati

mga ngiting alam mong kumakalinga
mga haplos na may init na dala
at pag mahal daw parati kasama
kahit sa pag gising sa umaga.

16

di ako marunong sumayaw
kahit hatakin mo ako, ayaw..
sa iba parang 5 ang feet sa akin
parang isa lang kung dance eh ipipilit

idaan ko nalang sa kanta baka may ibuga pa
pasimpleng lalala siguro naman papasa
at isabay sa 3 chords na alam ulit ulitin ko lang
pwede ng pakinggan pwede ng pagtyagaan

mahal kita sanay marinig mo
mahal kita ang puso koy sayo
mahal kita kailan ba makikita

bahala na kung ano ang tyempo
basta wag umalon ang tono
idaan sa ngiti para madali
upang sabihin nyang

halika na at humalik

15

nag hihintay

nakadungaw sa bintana tapat ng kanto
kita agad kung may darating mula ibayo
bawat aninong makita umaasang kaw na sana
buwan na ang inabot nakadikit nako sa window
please lang dumating kana pagkat di ko kaya

di ko nakayang tiisin pa sakit na tyan ko
di ako makalabas ng room pagkat susi eh dala mo
puno na ang arinola ni lola at mga bote ng c2
wala akong mapaglagyan wawa naman ako..

sige ka if di ka agad dumating ang bangong gusto mo sakin
pag dating mong amoy maasim.

14

habang naglalaro ng left4dead
napansin kong paligid koy nagsisikip
napatingin sa tabi tabi pakiramdam koy
may katabi

wala naman at walang kasama
mag isa ako 3 am na. laro lang ng laro
hanggang mag umaga
para malimot kong akoy nagiisa

pero ngayon ramdam ko
habang yung witch eh pinapatay ko
ramdam koy may kasama na
pinawisan ako ng malamig nginig pa.

pagkat dama kong init sa aking leeg
malamig na haplos nahalata ko na
ngunit pag bigla kong lingon wala pala.

tinigil ko na muna paglaro ng left4dead
at mukang zombie nako sa kakapuyat ooh syet.

12

nasa loob na ako ng house
at biglang napatawa
pagkat may batutang nag inintay sa kama

di katulad ng nasa crame malaki
batutang ito eh sapat na sa laki
sabi ni lolo wag mag hangad ng pag aari ng iba
pero ang pag aari nung pulis hinangad ko talaga.

ng biglang natauhan ako wala palang nag iintay
walang yakap na nakahanda
si auto cad lang sa dilim at mukang malamya..

11

pauwi na ako at makulimlim na
parang nakikisama panahon sakin twina
parang ulang papatak parati
tuwing naalala nakaraan sa crame.

dun kasi unang nakita nakatayo sa post nya
walang paki sa iba bastat gampanan tungkulin nya
dun ako naakit sa kanyang devotion
paglilingkod sa bayan tungkuling sinumpaan nun.

sa pagibig ganun din kaya?
kung akoy mag hahangad
attention nya ay angkinin
ang pagibig sa akin ibaling..

bigo ako nun sa pag hangad
pagkat akala koy sya ay payag
sa tulad kong batuta din ang hanap..

10

nadinig ko kahapon lang
gunaw na mundo dis afternun daw
wait ko lang paano kaya mawawala
mga bagay sa mundong parati sakin eh pasaway


mundo mundo kay bilis naman
saglit palang akong nakagala sa iyong sinapupunan
mundo sana man lang bago ka maglaho pagbigyan
maranasan ang may nagmamahal

9

napasobra pala ang tulog ko
anong oras na ba autocad ko
hmm 3 pm na pala at 4 days pala
akong naghilik sa bodega

maka mumug nga at parang may patay sa harap ko
ganun pala pag 4 days tulog parang galing sa ilalim ng ewan
pero bakit ganun di ako gutom
parang busog parin

antok pa pero kailangang magtrabaho na
jusme hala diaper kong punong puno na pala..
antok na ako gusto ko ng matulog
pagod na sa gawaing bukas eh kasuyo
antok na ako gusto ko mahiga
pagod na sa mga tunog na bukas eh nangangawa

antok na ko gusto ko ng magpahinga
sawa na sa mga bagay bagay na parating nawawala..
pikit na ko gusto ko ng dumilim
ayaw ko ng makita ang liwanag sa dilim

7






nasa table ko naka tungo
naalala panaginip ko
sumama loob ko kasi
sa tv ko lang nakikita ito

mag lunch na pala
may lumapit sa akin
kain na tayo miguel
nagulat ako pagkat eto sya

ang crush kong parati ko lang
minamasdan across sa opisina
sa tabi ng mga halaman akoy simpleng natingin

araw araw kasi bago ako simula
tingin ako sa malayo
dun sa table nyang parang heaven ang dating

napa ahh. lang ako di ko na intindihan
sabi ko kain na tayo inulit nya
sige sabi ko at sabay tayo.
napansin ko nalang madami pala

sabay sabay pala eat today
at sya ang incharge sa par organize pala
kala ko pagkakataon ko na
yun pala b day lang ng jowa nyang may ari ng planta...

6

lumapit sya akin at agad akoy niyakap
di lumisan mga mata nya ay sakin walang kurap
parang nawalan ako ng lakas nung naramdaman ang init
yakap nyang kay higpit di ko akalaing akoy iibig

walang mga salitang nadinig kamiy nag uusap
nakarating sa kama katawan namin ay nakalapat
magkahawak mga kamay pero natangal ang damit
gulat nalang akot sya ay naka ngiting humahalik.


biglang may kumatok at akoy biglang nagising
tingin agad sa tabi ko buong taka pagkat wala akong kapiling
laking inis ko panaginip lang pala
si autocad lang kasama ko sa kama..

5

sa aking pang hihintay
nakita ko na sya
lumabas ng store
na nabebenta ng alcohol

binalot agad ako ng takot
sunugod ako ng hiya
lalapit ako sa dalagang
maghapon kong pinagmasdan sa bintana.

anong sasabhin ko?
paano ko sya kakausapin?
walang ganito sa autocad
walang keys na pwede ma pindot
upang bumilis ang nais marating..

4

lam nyo ba minsan napa tingin ako
sa display window sa mall na parati ako
nakita ko dun di produkto
girl ha at syay nag aayos dito

hmm na pa isip ako kay cute na dalaga
habang sya ay nag screw ng shelves, kataka..
yang ganyang babae marunong mag aluwage
crush tuloy agad sya kasi masculine work ahh.


bading ata ako na tibo kasi na typan ko eh
girl na panglalaki ang work
napa smile ako at naupo sa may tapat
pa simpleng sulyap habang ang girl eh tuloy lang ang banat.


sabay bukas kay autocad at kunwari pindot.
pero mata koy di mawala sa bintana .
wait ko kaya syang umuwi?
shy ako ahh pero kinikilig...

3

minsan try ko lumabas
date ko si autocad
oo alam ko paano yun
ewan ko ba basta nalang ganun

dun sa sinehan kami magkasama
laptop nakasakay si CAD pasaway ahh
habang iyakan katabi ko sa sinihan
tuloy lang pindot sa keys na ewan

may nagsalita sa may likuran
hoy yang laptop mo baliw !!
ako dedma lang sila rin naman
gamit cellphone sa sinehan..hehe

2

miss ko na pala ang simpleng video games.
kasi si autocad parati aking kapiling
kahit pacman man lang sanay pagbigyan
puro templates parati aking nabubuksan

hay naman minsan i regret kasi puro drawing tangent
circles all around parang nahihilo nako sa kaka arc nalang.
miss ko rin kumain ng balot kayat tingin ko sa radius eh itlog
nakakabaliw po kaharap parati eh si CAD automatic ata akong babaliktad..


di ko mawari bakit parati
kapaling ang pc pindot pindot sa keys
di ko naman pwedeng tigilan pagkat
trabaho iyan kayat pindot parin kahit
malungkot at ulila sa piling nya ay wala...

autocad kausapin mo ako kaw din naman kasama ko
ay sya nga pala pati pala sya di naalis sa tabi ko
kalungkutan please lang lumayo ka naman
pati plotter koy tinoyo na save ko muna sa flash drive ahh...