gusto ko lang sabihin ito
mga bagay na patungkol sayo
matagal na kasing naiisip ko
kung sakaling mahalin mo ako
pag mahal daw kasi
may yakap parati
pag mahal daw kasi
may halik at titig parati
mga ngiting alam mong kumakalinga
mga haplos na may init na dala
at pag mahal daw parati kasama
kahit sa pag gising sa umaga.