nakahiga parin
ayaw ko munang ibukas mata
ramdam ko araw sinag na
tagilid muna iwas sa liwanag
matulog nalang tamad tumayo
tamad pang lumabas sa mundong ito
dito nalang ako sa kwarto tago ako
pero di naman makuhang tumakas sa totoo
ikot ulit pero pikit parin
takip ng unan para pigilan
pero takbo parin ang oras
di ako maintay paalam araw
kaya mo akong iwanan