di ako marunong sumayaw
kahit hatakin mo ako, ayaw..
sa iba parang 5 ang feet sa akin
parang isa lang kung dance eh ipipilit
idaan ko nalang sa kanta baka may ibuga pa
pasimpleng lalala siguro naman papasa
at isabay sa 3 chords na alam ulit ulitin ko lang
pwede ng pakinggan pwede ng pagtyagaan
mahal kita sanay marinig mo
mahal kita ang puso koy sayo
mahal kita kailan ba makikita
bahala na kung ano ang tyempo
basta wag umalon ang tono
idaan sa ngiti para madali
upang sabihin nyang
halika na at humalik