nung bata pa ako may kantang sa akin ay napamahal
kantang naksama sa hirap at ginhawa
para bang kaibigang andyan parati
kaibagang may sagot sa mga tanong mo parati
syempre may mga bagong kanta na dumating
at napamahal din may sariling kwento
tahimik na natugtug parang gabay sayo
kayat sa tuwing nadirinig ang kanta
sa radio man or nakita sa net
parang nabalik panahong kay saya
di mo na masayadong tanda ang sakit
pero ang kanta naalala pa
mga kanta sa puso na ata nakatago
at kailangan lang ng pagbuyo
at lalabas muli ang tugtug
madinig muli ang tibok