Pages

Saturday, December 29, 2012

may sayad

maingay dito sakit na ulo ko
pakiusap naman itigil nyo
tuloy parin wala pakialam
nag sisiksikan saking kamalayan

mga boses nilang kay lakas
sabay sabay wala ng lunas
sa aking isip silay naninirahan
pakiusap naman akoy lubayan

kailangang kumanta
para silay di madinig
lakasan ang boses ngunit
walang kantang maisip

kantahan mo ako
irog akoy iyong tulungan
bigyan ng katahimikan
akoy iyong kantahan