dama ko parin ang init ng yakap mo
parang dumikit na sa katawan ko
inaamoy amoy sarili ko
pagkat nandun parin perfume mo
at habang nakangiti hawak sariling bisig
pumapasok sa aking isip mga mata mong nakatitig
magkayakap buong gabi yan ang madalas nasaisip
pero lungkot lang ang kasama pagkat wala na sa aking piling
yakap mo sanay muling madama
nagpaalam kana pero akoy umaasa
larawan mo parati ko kaharap
pinapanit ko sa aking mga yakap