Pages

Thursday, May 8, 2008

malayo pa ang langit

malayo pa ang langit

naka upo at nagiisep mainit ang panahon at akoy napapikit
kaw parin nakikita ko kay tagal na ng panahong nawalay sayo
mulat ulet at balik sa ganito, buhay na malungkot malayo sayo
buntong hininga kuha ng gitara, gawan sana kita ng kanta

hanggan ngayon di ko pa matapos mga letrang noong naisulat
tungkol sa pag ibig na hangad, hangang ngayon mga letra parin
at di malapatan ng tono mga letrang di ko makanta
pagkat ala na ang makikinig sa mga letrang galing saking dibdib


malayo pa ang langit di ko ito matanaw
malayo pa ang langit ramdam ko akoy papanaw
malayo pa ang langit pagkat wala ka
nag hihintay parin sa pag dating mo sinta...


yakap ang gitara iniisip kita pagkat dati tinuran kita
sabi mo pa nuon gagawan kita ng kanta turuan mo lang ako mag gitara.
at ngayon naalala ko mg letra mo nasulat sa puso ko
"mamahalin hangang wakas yayakapin na parang wala ng bukas"

mag uumaga na di parin ako makatulog, galing sa gabing puno ng lungkot
ilang linggo ng di ka nakikita palala ng palala ramdam koy akoy mawawala na
isang araw pa ramdam koy katapusan na pero malayo parin ang langit sa puso ko sinta

malayo pa ang langit di ko ito matanaw
malayo pa ang langit ramdam ko akoy papanaw
malayo pa ang langit pagkat wala ka
nag hihintay parin sa pag dating mo sinta...

aasa pa bang ikaw ay babalik, wala man lang senyales sa iyong pag ibig
aasa parin ako sa pagbalik pagkat gusto ko marating ang langit.
langit sa iyo nanduroon, sayo ako paparoon
langit koy ikaw lamang langit na gusto kong maging akin muli...
magpakailanman