Pages

Thursday, May 8, 2008

trycycle

trycycle


araw araw antay ko pag labas mo sa bahay nyo
at araw araw din kinakanta handog ko sayong kanta
pagkat lam ko daraan ka sa harap ng bahay namin
kayat buong lakas koy bigkas mga letrang kay lalim

eto na sya kayat kanta nako pero ni minsan di ka lumingon
tuloy lang lakad mo papunta trabaho. sana nga nadinig mo
ang kantang araw araw inaawit sanay nga ay nadirinig
kantang inaalay sa babaeng minamahal araw araw

hatid tingin nalang ulet sa iyong pag sakay
ala na ko magagawa kundi mag hintay
dito lang ako sa bahay pagkat di pa makahakbang
upuan kong di gulong di pwede lumabas kay malas.


bukas kaya mapansin na nya ako at ang kantang ginawa ko
sana man lang lumingon sya isep ko tuloy sya ay suplada.
pero sa tingin ko mabaet sya. palagi naka ngiti mata nakatawa.
sana nga mapansin na nya mga letrang kinakanta sa twinang parating sya.


kantahin ko parin sa araw araw na sya ay daraan
at mag hintay sa gabing sya ay darating
sana hita ko ay gumaling na pagkat gusto ko ng sa bahay nya
akoy ay kumanta para malaman nya itong
kanta kay tagal ng ginawa para sa kanya.