Pages

Sunday, October 27, 2013

Bakit Malamig pag tag ulan.... epi 5

Bakit Malamig pag tag ulan.... epi 5

ang nakaraan

papasok na sina E.M. at aling dedma sa mcdo 

pero sina smiley at loulou ay nasa taas na at waiting lang

at bago tayo mag fade in sa scene eto muna ang complete plan ni loulou at dedma

parehas ng suot si dedma at smiley, paordirin ni dedma si E.M. at sasabihing una na sya sa taas

at si loulou naman ay mag dahilang mag cr pag nakita na nya si dedma na umakyat

pina upo ni loulou si smiley na naka talikod sa hagdan, para nga nman sya agad makita ni E.M.

dedma: E.M. gusto ko yun yun at yun ah!! and take your time.. sa taas ako ah.. lapit lang ako sa hagdan hehe
sabay tawa sa sarili na parang naka tamA sa jueteng... buwahahahaha!!!

at nakita na ni loulou si dedma. sabay dahilan na...

loulou: smiley punta lang ako cr ah wag ka aalis dyan baka maunahan tayo ng iba!!. order narin kita pag galing ko sa cr ah.
basta wag ka gagalaw dyan!!!

smiley: oo naman.. now pa eh libre mo ako spag at float . hihi!!

hmmm ano kaya mga susunod na pangyayari......

fade in sa scene...

E.M. grabe naman dami naman order ni dedma.. payatut na yun lakas kumain.. hayyyyy

isip si e.m. basta wag lang ako ma karate ni dedma ok na to.. sino nga kaya dito yung prospect nya? puro bading naman manager dito ah..

hmmm at hmm basta bahala sya.. uwi agad ako pag akyat ko. sabihin ko yung laundry ni inay naka tambak pa , lagot ako if dating si inay di ko pa natapos...

si smiley naman. tahimik at naka smile while waiting for loulou.. esep nya.. bakit need ko ganito suot? need talaga pink? well basta libre wahahaha!!

sa cr. nandun sina dedma at loulou naka matyag at kinikilig sa maaring mangyari.. pustahan pa sila
hahahaha!!!

at umakyat na si E.M. at huling hagdan kita na nya naka pink at naka talikod. wala na ibang naka pink sa lugar na yun.

sabay baba ng food tray sa table. sabi....

E.M.: aalis agad ako ah good luck nalang s......

si E.M. nagulat nung tumigin sa mukha na inakala nyang si dedma... di na sya nakatapos sa sasabhin...

si smiley naman.. napa nganga.. di nya inakalang si E.M. ay makikita nya dito.. alam nya nag lalaba .. (at paano naman nalaman ni smiley na naglalaba si E.M.?)
may pagka stalker si smiley.. bwahahahaha.. sabi ng voice over....

nag blush agad si E.M. ... si smiley naman parang tatakbo na gustong itago ang fez nya...

E.M.: oh smiley nandito ka.. kala ko kaw si dedma naka pink ka kasi.. at ano kasi ahh

wala na naisunod na masabi si E.M. napatitig nalang sa dalaga..

si smiley naman wala narin nagawa bagkus napa titig narin sa mata ni E.M. kabadong kabado pero nalimutan ang shyness. nung mag tagpo ang
kanilang mga mata. para bang madaming sparks ang sa kanilay nag mula..

si loulou at dedma naman tawa ng tawa sa kanilang nakita...

smiley: ah eh. kasi si loulou treat daw ako dito kayat wait ko sya... nasa cr lang sya eh..

at kasama sa plan ay....

may narecieve na txt si smiley... loulou: sorry sinundo ako ng bf ko .. next time nalang ah sensya na!!!

may narecieve na txt si E.M. -- dedma: sorry ah yung prospect kong manager bigla ako niyaya sa jollibee haha!! next time ako nman libre sayo..

nagka tinginan sina smiley at E.M.

E.M. : si dedma iniwanan ako .. sabi nya samahan ko raw sya.. paano tong food ...dami pa namna

smiley: si loulou sinundo daw ng bf nya.. kainis yun..

E.M. : baka pwede ako nalang samahan mo .. dami pa naman tong food oh.. may spaghetti pa at float.

smiley: nakaka hiya naman . para kay dedma yan diba...

E.M.: ok lang .. may ka date na yun eh.. tanawag lang ako para maging assistant nya.. tara samahan mo ako ah

si smiley parang natawa na na shy... wala siguro alam si E.M. na crush ko sya.. so play normal lang .. wag papahalata....
pagkakataon na itong makasama si E.M.

pero lagot ka sa kin loulou!!!! isip sa sarili...

si E.M. naman natuwa rin pagkat pag kakataon na nyang makasama si smiley esep nya.. siguro di nya alam na crush ko sya.
di nya siguro mahalata ano? ..

hmmm at ano kaya kahihinatnan nitong eksanang ito??

abangan ang mga susunod na kabatan sa ating seryengggggggggg

Bakit malamig pag Tagulan...........