Pages

Saturday, October 12, 2013

bored?


dati ko ng plano ang umiwas sayo
ibaon ang iyong ngiti sa trabaho
subalit pag wala ng ginagawa 
kaw agad papasok sa isip ko

siguro malungkot lang ako
dala ng pagiisa ko dito
dinadaan nalang sa korean seryes
lalo nga lang nananabik makita iyong ngiti

may mga eksena kasi tungkol sa paghihintay
meroon din tungkol sa panibagong buhay
di nga nagkatuluyan sa buhay na ito
umaasang sa susunod di na mabibigo ang pagibig nato

siguro nasa isip mong wala masyadong work 
wala mabutingting  wala makutkut 
kayat madalas pindutin ay aking keyboard
eto kinalabasan tula muli para sayo, baka bored lang siguro 

kakaiba siguro ako yan nasa isip mo
yung iba kasi pag bored iba ginagawa
ako naman tula patungkol sa paghanga
sana itago mo mga ito nakakarami na rin ako no.

balang araw basahin mo ulit ito
sana kahit kaunti ay naging akin parte ng puso mo 
isang taong hanggan tula lang kayang sabihin nararamdaman
di kayang humarap sayo kung walang alak ang tyan