ganito lang kaya kong gawin
ang isulat ang nasa aking damdamin
di ko alam kung maipapadala sayo
siguro tama na ang maisulat ko ito
kung sakaling isa itong istorbo
na ipalaam ang nasa loobin ko
sensya na po at naaabala kita
sulyap moy gusto ko lang makuha
sa muling pagkikita baka ikaw ay matawa
siguradong akong matatameme
baka para lang makapag usap tayo
isusulat ko nalang para mabasa mo
liham nagagawa para mailathala
mga nadarama mga gustong ibahagi
ang aking panalangin kung iyong mamarapatin
ngiti moy makuha dahil sa liham kong iyong nabasa