dalawin mo naman ako oh
ang sakit ko kasi
kaw lang makaka gamot
kissperin at yakapsul
ang side effect ay kilig im sure
at sana nga sa iyong paglapit
mahawa ka agad sa aking sakit
ang feeling kasi masarap na pakiramdam
sana naman agad mo makuha nararamdaman
madalas nga parang nagdidiliryo ako
akalain mo madaling araw napasigaw ako
wag mo daw ako iwanan, sabay yakap sa unan
kaunting luha sa mata kinabukasan muta na
maawa ka naman oh please po hirap akong makasleep
naka autorepeat kasi sweet voice mo sa aking head
parang si gumiho ang iyong dating
dimples mo kasi sobra ang aking panggigigil
baka humaba na naman tong wento ko
if sawa kana sa pagbabasa
sa huling linya ay buod nitong novela
ang ibig ko lang sana makita iyong ngiti dahil napa saya kita