Pages

Wednesday, October 9, 2013

paalam

paalam na sayo, ikaw na nagbigay
saya sa pusong kay tagal naghintay
inakalang tapos na sa mga ganyang bagay
ngunit ikaw ay dumating at akoy nagkaroon ulit ng buhay

pinipilit kong iwasan ang nararamdaman
pero di ko napigilang itoy isulat nalang
baka sakaling kapag nailathala
mabasa ko ito at pakiramdam ay mawala

subalit sa mga nasulat kong mga tula
lalo lamang akoy natutulala
bawat letrang aking nasulat
parang lahat sila humihiling at nagmamakaawa

sabihin sayo na diretso
nadaramang pagibig na pilit tinatago
lalo lamang nangungulila
sa bawat tulang ikaw nagpasimula

paalam nalang siguro dapat sabihin
bago pa lumala ang nararamdaman
ngayon kasi parati hanap ka
baka bukas ikaw ay aking itanan na

sensya na kung ganito na nasa isip ko
wag kang matakot kasi nabaliw na ata ako
nasa isip at puso ko lang naman ito
ang mangarap na sasamahan mo ako